^

Metro

Indian terrorist leader, timbog ng Bureau of Immigration

Mer Layson, Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon
Indian terrorist leader, timbog ng Bureau of Immigration
Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, ang naarestong dayuhan na si Joginder Geong, 41, ay naaresto ng mga operatiba ng BI-Fugitive Search Unit (FSU) kamakalawa sa kanyang tahanan sa Brgy. Taculing, Bacolod City, Negros Occidental.
Bureau of Immigration, Republic of the Philippines/Facebook page

MANILA, Philippines — Isang Indian-Nepalese national na nagtatago sa Pilipina na-tag ng mga awtoridad sa New Delhi bilang isang ranking leader ng isang separatist terror group at isang wanted na kriminal sa India ang bumagsak sa kamay ng mga ahente ng Bureau of Immigration (BI).

Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, ang naarestong dayuhan na si Joginder Geong, 41, ay naaresto ng mga operatiba ng BI-Fugitive Search Unit (FSU) kamakalawa sa kanyang tahanan sa Brgy. Taculing, Bacolod City, Negros Occidental.

Ang suspect na si Geong ay may alyas na “Joginder Geyong” at “Kanta Gupta”.

Sinabi ni Tansingco na naglabas siya ng mission order para sa pag-aresto kay Geong sa kahilingan ng gobyerno ng India na nagpaalam sa BI tungkol sa umano’y pagkakasangkot nito sa mga aktibidad na kriminal at terorismo sa kanilang bansa.

“Inilarawan siya ng mga awtoridad ng India bilang isang kilalang-kilalang kriminal na may kasaysayan ng mga malubhang pagkakasala kabilang ang pagpatay, pangingikil, at pagnanakaw,” sabi ni Tansingco.

Inihayag niya na si Geong ay pinaghihinalaang namumuno sa isang organisadong sindikato ng krimen, at nasentensiyahan ng habambuhay na pagkakakulong para sa mga kaso ng pagkakaroon ng baril sa India.

Si Geong ay pinaniniwalaan din na may mga link sa Khalistani terror group na naglunsad ng isang armadong separatist rebellion na may layuning magtatag ng isang malayang estado ng Sikh sa lalawigan ng Punjab sa India.

“Ipapatapon siya dahil sa pagiging hindi kanais-nais, hindi dokumentado, at iligal na pananatiling dayuhan na ang presensya dito ay isang tahasang paglabag sa ating mga batas sa imigrasyon,” ani Tansingco.

Nakakulong ngayon si Geong sa BI warden facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City habang nakabinbin ang deportation proceedings laban sa kanya.

vuukle comment

BUREAU OF IMMIGRATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with