^

Metro

Trader, pinasabog ang bungo sa net shop

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sabog ang bungo ng isang negosyante matapos barilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa loob ng kanyang computer shop kamakalawa ng hapon sa Quezon City.

.Kinilala ang biktima na si Andy Mirasol Delopirre, 36, ng No. 4108 LRB Republic Residence, Saint Joseph St, Brgy. Holy Spirit, Quezon City.

Batay sa imbestigasyon ni PStaff Sgt. Angel Pascasio ng Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), nangyari ang pamamaril dakong alas-5:54 ng hapon nitong Huwebes sa No. 168 Sto. Rosario St., Brgy Holy Spirit, Quezon City.

Nag-aayos ang biktima ng mga computer sa loob ng kanyang internet shop nang pasukin ng suspek na armado ng baril, nakasuot ng jacket, pantalon at helmet.

Walang sabi-sabing pinaputukan ng ilang beses ng suspek ang biktima sa iba’t ibang bahagi ng katawan at saka mabilis na tumakas.

Samantala, patay naman sa pananaksak kahapon ng madaling araw sa loob din ng internet shop sa No. 47 Durian Street, Area 9, Barangay Pasong Tamo, Quezon City si Rigor Arbela Canlas, 42 residente ng No. 16 Kasoy St, Brgy. Pasong Tamo, Quezon City.

Sa pahayag ni Roxanne Marie Bayotas Herold, 39, live-in partner ng biktima, nagko-computer sila nang biglang tumakbo palabas si Canlas. Dito ay nakita niya na may dugong umaagos sa biktima.

Agad na isinugod sa ospital si Canlas pero idineklarang dead-on-arrival.

vuukle comment

QUEZON CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with