^

Metro

Ritz Royal Tower sa Manila nasunog, 3 bumbero nahirapang huminga

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tatlong bumbero kabilang ang isang opisyal ng Bureau of Fire Protection (BFP), ang nahirapang huminga habang inaapula ang isang sunog na inabot ng 12-oras at tumupok sa warehouse na nasa ikawalong palapag ng isang gusali sa Binondo, Manila, nabatid kahapon.

Ang mga biktima ay nakilalang sina FSInsp. Ronald Lim, station 1 commander ng Bureau of Fire Protection (BFP); FO1 Myrthle Ruth Marquez, 30; at Excel Me­neses, 42, Brixton fire volunteer, na pawang nalapatan na ng lunas at nasa maayos nang kondisyon.

Batay sa ulat ng Manila Bureau of Fire Protection (BFP), nabatid na sumiklab ang sunog sa warehouse ng MC Gold Prime Ventures Inc., na nasa ika-walong palapag ng Ritz Royal Tower, sa 635 Camba St., sa Binondo at pagmamay-ari ng isang Chinese national.

Ayon sa BFP, dakong alas-9:33 ng gabi kamakalawa nang magsimula ang sunog.

Nahirapan umano ang mga bumbero na kaagad apulain ang apoy dahil punung-puno ng stocks ang bodega.

Karamihan din umano sa nasunog ay mga karton at mga plastic wraps kaya’t sobrang itim ng usok nito, sanhi upang mahirapang huminga ang ilang mga bumbero. Naghalinhinan na lamang umano sila sa pag-apula ng apoy upang hindi sila maubusan ng oxygen at kaagad na makapag-refill.

Umabot ang sunog ng ikatlong alarma bago tuluyang naideklarang fire under control dakong alas-4:14 ng madaling araw. Tuluyan naman itong naapula dakong alas-9:26 ng umaga kahapon.

Ayon sa BFP, wala namang iba pang bahagi ng gusali ang nadamay sa naturang sunog.

Sa pagtaya ng mga awtoridad aabot sa P15 milyon ang halaga ng mga ari-ariang tinupok ng apoy.

Inaalam pa naman ng mga imbestigador ang pinagmulan ng sunog.

vuukle comment

FIRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with