^

Metro

Anak, patay sa saksak ng tatay!

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Anak, patay sa saksak ng tatay!
Dead-on-arrival ang 35 anyos na biktima habang nasa kustodiya naman ng pulisya ang suspek.
STAR/File

MANILA, Philippines — Patay ang isang mister matapos saksakin ng kanyang sariling ama na umaawat lamang sa away ng kanyang misis at pinsan sa Navotas ka­makalawa.

Dead-on-arrival ang 35 anyos na biktima habang nasa kustodiya naman ng pulisya ang suspek.

Batay sa inisyal na pagsisiyasat, nagtalo ang live-in partner ng biktima at pinsan nito  sa kanilang lugar sa Barangay Tanza Dos.

Narinig naman ng suspek na ama ng biktima ang pag-aaway kaya lu­mabas siya upang umawat.

Ayon kay Police Major Albert Juanillo ng Navotas Police Station, sinaway umano ng biktima ang kaniyang ama na huwag nang makialam.

Gayunman sa galit ng ama sa pagsita sa kanya ng anak, kumuha siya ng kutsilyo at sinaksak ang huli sa dibdib.

Labis naman ang pighati ng asawa ng suspek na siyang ina rin ng biktima.

“Hirap din po sa kalooban ko. Anak ko patay, asawa ko nakakulong,” anang ina ng biktima at misis ng suspek.

vuukle comment

CRIME

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with