^

Metro

Mag-asawang ‘tulak’, huli sa buy-bust

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Mag-asawang �tulak�, huli sa buy-bust
Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Popoy”, 50-anyos, at “Melissa”, 45 residente ng Hermosa St., Barangay San Roque, Pateros, Metro Manila.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

MANILA, Philippines — Arestado ang isang high value individual (HVI) at ang kaniyang misis nang sa isinagawang buy-bust operation ng Pateros Police, sa nasabing lungsod, Martes ng umaga.

Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Popoy”, 50-anyos, at “Melissa”, 45 residente ng Hermosa St., Barangay San Roque, Pateros, Metro Manila.

Sa ulat ng Pateros, dakong alas-6:30 ng umaga ng Mayo 7, 2024 nang madakip sa kanilang tahanan ang mag-asawa.

Nabatid na target sa operasyon ng personnel ng Station Drug Enforcement Unit at Station Intelligence Section sa pangunguna ni P/Lt. Napoleon Tongco, hepe ng SDEU ang dalawa na tagumpay namang nakabili ng iligal na droga.

Ang mag-asawa ay nakumpiskahan pa umano ng 55 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P374,000.00; at nabawi rin sa kanila ang buy-bust money, digital weighing scale; at ang iPhone cellphone na ginamit sa transaksyon.

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with