^

Metro

Mag-live in pinasok, niratrat; babae patay

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Mag-live in pinasok, niratrat; babae patay
Sa imbestigasyon ni PMaster Sgt. Alvin Quisumbing, mahimbing umanong natutulog ang mag-live in partner nang biglang pumasok ang suspek sa loob ng kanilang bahay at pinagbabaril ang mga biktima saka tumakas.
Emmanuel Tupas

MANILA, Philippines — Isang babae ang patay habang sugatan ang live-in partner nito nang pasukin sila sa bahay ng isang lalaki at pagbabarilin nitong Sabado ng gabi sa ­Quezon City.

Kinilala ni Quezon City Police District director PBrig. Gen. Redrico Maranan ang nasawi na si Roselle Navalta, 39, habang sugatan ang live-in partner nito na si ­Richard Casuga, 41; kapwa nakatira sa No. 44-F Tandang Sora ­Avenue, Brgy. Tandang Sora, ­Quezon City.

Tinutugis na ng pulisya ang suspek na nakilalang si Paolo Yanguas, alias “Pao-Pao”, 27, residente ng No. 96-A General Ave., Brgy. Tandang Sora, QC.

Sa naantalang report ng QCPD-Criminal Investigation and Detection Unit, bandang 2:20 ng madaling araw nitong April 20, nang maganap ang insidente sa tahanan ng mga biktima sa nasabing lugar.

Sa imbestigasyon ni PMaster Sgt. Alvin Quisumbing, mahimbing umanong natutulog ang mag-live in partner nang biglang pumasok ang suspek sa loob ng kanilang bahay at pinagbabaril ang mga biktima saka tumakas.

Isinugod ang mga biktima sa Quezon City General Hospital subalit bandang alas-8:22 ng gabi noong Linggo ay binawian ng buhay si Navalta.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang malaman ang motibo sa krimen.

vuukle comment

SHOOTING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with