^

Metro

4 pulis ‘di rumesponde sa pinatay na Police Captain sinibak!

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
4 pulis �di rumesponde sa pinatay na Police Captain sinibak!
Ayon kay Philippine National Police Public Information Office chief PCol. Jean Fajardo, tinututukan ngayon ng internal affairs service ng PRO-BAR ang hindi pagresponde ng apat na pulis matapos na mapatay si Moralde  dahil sa sinitang lalaki na nakitaan nito ng baril sa palengke.

MANILA, Philippines — Dahil sa kabiguang rumesponde, sinibak sa puwesto ang apat na pulis na nagpapatrolya na kasamahan na si Police Captain Roland Moralde na pinagbabaril hanggang sa mapatay ng limang suspek kabilang ang dalawang pulis nitong Mayo 2 sa Parang, Maguindanao.

Ayon kay Philippine National Police Public Information Office chief PCol. Jean Fajardo, tinututukan ngayon ng internal affairs service ng PRO-BAR ang hindi pagresponde ng apat na pulis matapos na mapatay si Moralde  dahil sa sinitang lalaki na nakitaan nito ng baril sa palengke.

“Aalamin kung anong nangyari at hindi nila ­inalalayan o nirespondehan noong nakarinig sila ng putukan sa area at bigla silang nawala, ni-relieved na po itong mga ito subject for investigation,” ani Fajardo.

Sa ngayon ay nasa PNP Headquarters sa Camp Crame sa Quezon Cityang mga labi ni Capt. Moralde, nang dumating ito nitong Linggo at nakahimlay sa PNP Mortuary hanggang Miyerkules.

Nasampahan na ng kasong murder ang limang suspek, kabilang ang dalawang pulis na pawang kamag-anak ni Mohiden Ramalan Untal napatay ni Capt. Moralde sa kanilang engkuwentro.

Bukod sa kasong criminal, gumugulong na rin sa Regional Internal Affairs Service (RIAS) ang kasong administratibo laban sa dalawang pulis na may parehong ranggong Police Master Sergeant.

Hawak na rin ng Anti Cybercrime Group (ACG) ang CCTV footages kung paano pinatay pinagtulu­ngang pagbabarilin ang biktima.

Matatandaang nitong Mayo 2, nagpababa sa kanyang mga kasamahang pulis si Moralde sa Parang Public Market upang mamalengke subalit nakita nito ang isang lalaki na nakilalang si Untal na mayroong baril kaya sinita ito hanggang sa sila ay magkaengkuwentro at pinagtulungan siyang pagbabarilin ng mga kaanak ng suspek.

vuukle comment

POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with