^

Metro

Maintenance meds sa hypertension at heart failure ni-recall ng FDA

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagbabala ang Food and Drug Administration (FDA) sa publiko at health professionals na huwag bilhin at inumin ang isang batch ng maintenance medicine para sa hypertension at heart failure na binawi sa merkado.

Ang nasabing produkto ng Scheele Laboratories Phils ay ang Enalapril Maleate 10 mg Tablet (Scheepril) na may registration no.DRP-1081at lot no. 29080, batay sa pagsusuri ay natuklasang kulang sa nilalaman at maaaring magdulot ng hindi inaasahang panganib.

Ang resulta ng mga pagsusuri sa laboratoryo na isinagawa ng FDA ay nagpakita na ang partikular na lote ay naglalaman lamang ng 8.54 mg ng Enalapril maleate bawat tableta sa halip na 10 mg.

Ang Enalapril maleate ay isang angiotensin-converting enzyme (ACE) inhibitor na ginagamit sa paggamot ng hypertension at pagpalya ng puso. Maaari rin itong ibigay nang prophylactically sa mga pasyente na may asymptomatic left ventricular dysfunction upang maantala ang pagsisimula ng symptomatic heart failure at sa mga may left ventricular dysfunction upang mabawasan ang insidente ng coronary ischemic event kabilang ang myocardial infarction.

Dahil dito, inatasan ng FDA ang mga distributor, ospital, retailer, parmasya, o klinika na may apektadong bahagi ng produkto na ihinto ang karagdagang pamamahagi, pagbebenta, at paggamit.

Gayundin, pinapayuhan ang lahat ng consumer na huwag gamitin o bilhin ang apektadong lote ng produkto at maaaring makipag-ugnayan sa Scheele Laboratories Phils, Inc. sa pamamagitan ng [email protected] para sa anumang katanungan o karagdagang impormasyon tungkol sa recall.

vuukle comment

FDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with