^

Metro

Manibela, nagprotesta muli vs. PUVMP

Pilipino Star Ngayon
Manibela, nagprotesta muli vs. PUVMP
Nagkagitgitan kahapon ang mga pulis at jeepney drivers at operators ng grupong Manibela nang muling magsagawa ng transport strike sa tapat ng House of Representatives sa Quezon City laban sa PUV Modernization Program ng pamahalaan.
Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Muling nagdaos ng kilos-protesta ang mga miyembro ng transport group na Manibela kahapon laban sa Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) ng pamahalaan.

Dakong alas-8:00 ng umaga nang simulan ng grupo ang protesta sa Nagtahan sa Maynila at sa Caruncho Avenue sa Pasig City.

Nabatid na nagtipun-tipon ang mga tsuper na kabilang sa Paco-Rotonda-Nagtahan Jeepney Operators Drivers Association, na bahagi ng Manibela, sa kanilang terminal, ngunit sa halip na pumasada ang mga ito ay ipinarada lamang ang kanilang mga tradisyunal na jeepney sa lugar.

Dahil dito, napilitan naman ang mga pasahero na humanap na lamang ng ibang masasakyan upang makara­ting sa kani-kanilang destinasyon.

Nakiisa rin naman sa kilos-protesta ang mga tsuper na bumibiyahe sa mga rutang Pasig-Bagong Bayan, Pasig-Pateros, at Pasig-Palengke Quiapo na nagtipun-tipon naman sa Caruncho Avenue sa Pasig City upang ipahayag ang kanilang mga hinaing.

Kasama pa ng mga tsuper sa pagpoprotesta ang kani-kanilang mga pamilya upang ipakita kung paano makakaapekto ang PUVMP sa kanilang kabuhayan.

Matatandaang una nang sinabi ng Mani­bela na hindi sila tutol sa modernisasyon at ang inaayawan lamang nila ay ang franchise consolidation phase nito, na ang deadline ay nagtapos na noong Abril 30 pa.

vuukle comment

PUVMP

RALLY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with