^

Metro

Iligal na paputok, kinumpiska sa Divisoria

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagpapatuloy ang pangungumpiska ng mga iligal na paputok ng Manila Police District (MPD) sa Divisoria sa Maynila, ilang araw bago ang pagsalubong sa Bagong Taon.

Muling nagkasa ng operasyon kahapon ang mga tauhan ng MPD Meisic Station 11 at kabilang sa mga nakumpiska ang mga ipinagbabawal na paputok na bawang, five star, piccolo, at pla-pla.

Tiniyak ni Police Major Joselito de los Reyes, hepe ng Station Investigation and Detective Ma­nagement Branch ng Station 11, ang patuloy nilang pag-monitor sa bentahan ng iligal na paputok sa paboritong destinasyon ng mga murang bilihin pamasko at pam-bagong taon.

“If ever po may reported sa amin na mga ganu’n, immediately inaaksyonan po agad namin iyon. We will make sure na makakasuhan po sila kung sakaling wala silang permit,” saad ng pulis.

Samantala, mahina pa rin ang bentahan ng torotot at mga bilog na prutas kahapon. Inaasahan na tataas ito sa Disyembre 30 at kasabay nito ang pagtaas ng mga presyo, ayon sa mga vendors sa Divisoria.

DIVISORIA

MPD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with