Pekeng PWD IDs hindi na uubra - DSWD
MANILA, Philippines — Hindi na uubra ang mga pekeng identification cards (IDs) ng mga Persons with Disabilities sa paglulunsad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng kampanya laban sa paglaganap nito.
Ayon kay Social Welfare Secretary rex Gatchalian, sa isinagawang round table discussion sa pagitan ng DSWD at mga stakeholders, lumitaw na ang unified ID system ay magsisilbing web-based portal at real-time updating at ID verification ng mga business establishments.
“The creation of a unified ID system which will employ a web-based portal will be launched the soonest,” ani Gatchalian.
Samantala, hinihikayat naman ng ahensya ang lahat na huwag mag-atubiling magreport ng mga kahinahinalang pekeng PWD IDs. Ito ay maaaring ipagbigay alam o ireport sa National Council on Disability Affairs (NCDA), isang attached agency ng DSWD. Maaaring magsend ng email sa [email protected], Persons with Disability Affairs Office (PDAO), o sa tanggapan ng mga law enforcement agency.
Una nang naglunsad ng national crackdown ang Bureau of Internal Revenue (BIR) laban sa illegal na pagbebenta at paggamit ng pekeng pangalan ng tao na may disability IDs.
Sa ilalim ng National Council on Disability Affairs’ Administrative Order No. 001, Series of 2008, ang persons with disabilities IDs ay ibinibigay sa mga indibidwal na may permanent disabilities tulad ng speech impairment, learning disability, intellectual disability, mental disability, visual disability, psychosocial disability, physical disability, deaf and hard-of-hearing, cancer at rare diseases.
Ang PWD IDs ay nakukuha sa City o municipality na kinaroonan ng taong may kapansanan.
- Latest