^

Metro

1st day ng Simbang Gabi, generally peaceful - PNP

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
1st day ng Simbang Gabi, generally peaceful - PNP
Catholics, mostly provincial government officials and employees, attend the second night of Simbang Gabi in front of the Provincial Capitol Building in Lingayen, Pangasinan on December 16, 2024.
Cesar Ramirez/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Inihayag ng Philippine National Police (PNP) na generally peaceful ang unang araw ng Simbang Gabi sa buong bansa.

Ayon kay PNP spokesperson at information chief Brig. Gen. Jean Fajardo, wala naman nairerport na anumang  untoward incident sa simula ng simbang gabi  at inaasahang  mananatiling payapa hanggang sa Pasko.

Bagama’t dinagsa  ng mga Katoliko ang ilang simbahan sa bansa ang unang araw ng Simbang Gabi, hindi naman nakapagtala ng anumang   kaguluhan.

Gayunman, sinabi ni Fajardo na mananatili pa ring alerto ang PNP sa mga simbahan, langsa­ngan at transport terminals  lalo pa’t inaasahan na paparami nang paparami ang magsisiuwian sa kani-kanilang mga pro­binsiya habang papalapit ang  araw ng Pasko.

Nabatid kay Fajardo na naglabas ng kautusan si PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil na siguraduhin na sapat ang mga pulis sa mga vital installations bukod pa sa mga pulis na nagsasagawa ng  foot patrol.

Wala rin aniyang  namomonitor pa ang PNP na anumang mga banta o gulo ngayong Kapaskuhan.

Samantala, sinabi  naman ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Brig. Gen Anthony Aberin, wala ring untoward incident sa 309 simbahan sa Metro Manila kung saan nasa 1,802 pulis ang ipinakalat cops were deployed in 309 places of worship in Metro Manila.

PNP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with