^

Metro

Korean nag-practice ng shooting, sapul sa noo

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang Korean national ang sugatan nang aksidenteng mabaril ang kanyang sarili sa noo habang nagpapractice ng shooting kamakalawa sa  Cubao, Quezon City.

Ginagamot sa St Luke’s Medical Center, Quezon City ang biktimang si “Han” matapos na magtamo ng tama ng bala ng baril sa noo.

Sa imbestigasyon ng Quezon City Police District (QCPD) nangyari ang insidente bandang alas-5 ng hapon sa loob ng Strong Hand Firing Range sa Cubao, Que­zon City.

Nagpa-practice ng shooting ang biktima habang nakaasiste ang range officer na si Lenere Loguera Cabaron.

Makaraan ang ilang putok, nilinis ng biktima ang kanyang baril subalit bigla na lamang  pumutok at tumama sa kanyang noo.

Ang insidente ay nakuhanan ng  CCTV.

Nagsasagawa pa rin ng pagsisiyasat ang pulisya.

ACCIDENT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with