Online game show, inilunsad ng ScratchIt
MANILA, Philippines — Inanunsiyo ng ScratchIt, ang instant ticket lottery game at scratch cards ng Powerball Marketing and Logistics Corporation, ang paglulunsad ng kanilang online game show at iba pang online weekly shows kamakailan.
Nabatid na bukod sa hatid na kasiyahan, ang naturang online game show na PERA O SCRATCHIT, na ihu-host ng long time comedian na si Long Mejia, ay inaasahang magbibigay rin ng pagkakataon sa mga tagasubaybay ng ScratchIt Facebook Page ng pagkakataon na magwagi ng mga papremyo na aabot sa hanggang P200,000 linggu-linggo.
Naka-pattern sa aktuwal na pagkaskas ng mga cards sa lotto outlets ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), pinahihintulutan ng game show ang mga kalahok na mamili mula sa iba’t ibang life-sized scratch cards na available, gaya ng Go Bananas, Go for Gold, Money Tree, at Red Hot 7.
Matapos na makapili ay gagabayan sila ni Mejia, na siyang magsisilbing game master, at papipiliin kung gusto ba nila ng pera o ng premyong nakatago sa naturang napiling cards.
Ipinaliwanag ni Jenica Tan, na siyang brand manager ng ScratchIT, na katulad ng PCSO lottery games, ang porsiyento ng kita mula sa kanilang mga scratch cards, ay mapupunta sa charitable cause na suportado ng PCSO.
Aniya pa, sinusuportahan ng Go for Gold ang mga atletang Pinoy na kumakatawan sa bansa sa mga international at local athletic events, gaya nang katatapos na Asian Games na ginanap sa Cambodia.
Kaugnay nito, inanyayahan naman ng ScratchIt ang publiko na makilahok sa PERA O ScratchIT.
Nabatid na ilan pa naman sa iba pang online shows na iprinisinta ay ang, “Putahe ni Master” kung saan ang mananalong recipe mula sa lucky follower na nagkakahalaga ng wala pang P200 ay maaaring manalo ng P1,000 kung mapipiling gamitin sa programa; “Joke Time with Master” kung saan ang mapipiling jokes ay maaaring magwagi ng P1,000, at ang “Masuwerte Ka Ba? Mas Swerte with Master” kung saan ang mga tips kung paano maging masuwerte ay iaanunsiyo sa mga viewers.
- Latest