Gumaling sa COVID-19 sa Quezon City, 99.20% na
MANILA, Philippines — Iniulat kahapon ng Quezon City government na umaabot na sa 99.20% o 260,868 ang mga pasyenteng gumaling na mula sa COVID-19 sa lungsod.
Sa isang paabiso, sinabi ng QC Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CESU) na hanggang alas-8:00 ng umaga ng Hunyo 19, umaabot na sa 262,964 ang total COVID-19 cases o kabuuang bilang ng mga nagpositibo sa sakit, sa lungsod na naisailalim sa balidasyon ng CESU at mga District Health Offices nito.
Nabatid na dumaraan sa validation ng CESU, health center staff at mga opisyal ng barangay ang datos na mula sa DOH para masigurong sila ay residente ng QC.
Maaaring magbago pa naman anila ang bilang ng mga kaso sa lungsod dahil na rin sa isinasagawang community-based testing.
Sa naturang kabuuang bilang naman, 365 na lamang ang kumpirmadong active cases pa o 0.14% na lamang habang 1,731 o 0.66% ang sinawimpalad na bawian ng buhay.
Anang QC LGU, maaaring makita ang mga nakaraang COVID-19 case updates sa kanilang website na https://quezoncity.gov.ph/covid-19-watch.
- Latest