^

Metro

Kalituhan sa payment scheme, sanhi ng trapik sa Skyway 3

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Kalituhan sa payment scheme, sanhi ng trapik sa Skyway 3
Ayon kay Manuel Bonoan, pangulo at CEO ng Skyway Operations and Maintenance Corp., ang masikip na daloy ng trapiko ay nagsimula sa unang araw nang panini­ngil nila ng toll fee sa mga motorista na dumaraan sa expressway kamakalawa.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Ang kalituhan sa payment scheme o paraan ng pagbabayad ng toll ang naging sanhi nang pagkakaroon ng mabigat na daloy ng trapiko sa Skyway Stage 3 noong Lunes.

Ayon kay Manuel Bonoan, pangulo at CEO ng Skyway Operations and Maintenance Corp., ang masikip na daloy ng trapiko ay nagsimula sa unang araw nang panini­ngil nila ng toll fee sa mga motorista na dumaraan sa expressway kamakalawa.

Aniya, nagkaroon kasi ng kalituhan ang mga motorista at inakalang maaari nilang gamitin ang kanilang Easytrip sa paggamit sa naturang elevated expressway.

“May mga kalituhan sa motorista kasi first day,” ani Bonoan. “Maraming moto­rista na tumuluy-tuloy at ang dala nila ay ‘yung Easytrip nila and they thought na pupuwedeng gamitin dito sa Stage 3.”

Nabatid na ang Skyway Stage 3 at iba pang expressways sa southern part ng Metro Manila ay gumagamit ng Autosweep, na isang brand ng radio-frequency identification (RFID) habang ang mga expressways naman sa norte ay gumagamit ng Easytrip, na isa pang brand ng RFID.

“Hindi nila alam na hindi puwedeng gamitin kasi wala pa kaming interoperability,” paliwanag pa ni Bonoan.

Sinabi naman ni Bonoan na habang nasa proseso pa ang mga expressway operators ng pagsasapinal ng protocols para sa interoperabi­lity, dinagdagan na lamang ng Skyway ang bilang ng mga personnel na nagkakabit ng Autosweep stickers sa mga sasakyan, na nais gumamit ng naturang elevated structure.

MANUEL BONOAN

RFID

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with