Dagdag pasahe hirit ng provincial bus operators
MANILA, Philippines — Humihirit ng dagdag na pasahe sa gobyerno ang grupo ng mga provincial bus operators.
Ang kahilingan ng grupo ng South Luzon Bus Opersrors ay matapos bigyan ng go signal ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang 12 ruta ng mga bus na makabiyahe sa mga probinsiya sa Central Luzon at Calabarzon patungo at pabalik ng Metro Manila.
Ayon sa grupo, ngayong Lunes ay aapila sila sa LTFRB para sa kanilang kahilingan.
Una nang sinabi ng LTFRB na mananatili pa rin ang dating pasahe sa muling pagbiyahe ng may 12 ruta ng mga provincial bus sa Miyerkules, Setyembre 30.
Ayon naman sa mga grupo ng mga operator at drivers, malulugi lamang sila sa kanilang biyahe kung ‘di papayagang magtaas ng pasahe dahil ang pinapayagan lamang na i-accommodate nila ay 50% ng kanilang passenger capacity.
Hihilingin din umano ng grupo sa LTFRB na payagan ang mas marami pang bus na bumiyahe at mabuksan pa ang mas maraming ruta.
- Latest