^

Metro

Rizal Memorial Sports Complex, isasara muna para sa disinfection

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Rizal Memorial Sports Complex, isasara muna para sa disinfection
Ito ay makaraang makaalis na ang huling batch ng higit sa 6,000 LSIs (locallly stranded individuals) pabalik sa kani-kanilang mga probinsya sa ilalim ng ‘Hatid Tulong› program ng pamahalaan.
Miguel De Guzman, file

MANILA, Philippines — Isasara muna ng pamahalaan ang Rizal Memorial Sports Complex (RMSC) para isailalim sa dekontaminasyon at disinfection.

Ito ay makaraang makaalis na ang huling batch ng higit sa 6,000 LSIs (locallly stranded individuals) pabalik sa kani-kanilang mga probinsya sa ilalim ng ‘Hatid Tulong› program ng pamahalaan.

Sinabi ni Assistant Secretary Joseph Encabo, coordinator ng programa, na inumpisahan na kahapon ang lockdown ng RMSC.  Kabilang sa mga isasailalim sa disinfection ang baseball at track and field stadiums kung saan sumilong ang LSIs.

Maging mga nagtatrabaho sa sports complex ay hindi muna pinag-ulat sa kanilang trabaho hanggang hindi natatapos ang paglilinis.

Nabatid na binubuo ng 1,107 indibiduwal ang hu­ling batch ng LSI na inihatid ng pamahalaan sakay ng isang barko patungo sa Zamboanga Peninsula.

Ilan naman sa mga LSI na hindi pa handang tanggapin ng kanilang probinsya ay pansamantalang inilipat muna sa isang pansamantalang shelter sa Bulacan.

Napag-alaman rin na umabot sa 48 tao ang nagpositibo sa COVID-19 rapid test na inihiwalay sa karamihan ng LSI at naghihintay ngayon ng resulta ng kanilang swab tests para sa kumpirmas­yon.

vuukle comment

RMSC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with