8 mataas na opisyal ng PNP ipinuwesto
MANILA, Philippines — Walong matataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP) ang may bagong puwesto kabilang si Quezon City Police District (QCPD) Director Brig. Gen. Redrico Maranan.
Ayon kay PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil papalit si Maranan kay PBGen. Jose Hidalgo Jr., bilang Police Regional Office-Central Luzon o Region 3. Magreretiro si Hildalgo sa Martes, Oktubre 1.
Miyembro si Maranan ng Philippine National Police Academy Class 1995 at dating PNP information chief.
Magsisilbi naman acting QCPD director si PCol. Melecio Buslig, Jr.
Itinalaga nama si Maj. Gen. Ronald Lee bilang director ng National Police Training Institute; Brig. Gen. Bernard Yang bilang director ng Southern Police District at Brig. Gen. Victor Arevalo sa PNP Training Service.
Bukod dito, si Brig. Gen. Radel Ramos ay ipinuwesto bilang hepe ng Headquarters Support Service; Brig. Gen. Jose Manalad, Jr. sa Center for Police Strategy Management; at Col. Ma. Sheila Portento bilang bagong Dean of Academics ng PNP Academy.
Sinabi ni Marbil na magsasagawa pa rin ng balasahan sa susunod na linggo dahil sa pagreretiro ng mga senior officers.
Dagdag pa ni Marbil, kailangan na mapunan ang mga mababakanteng puwesto dahil na rin sa pagsisimula ng filing ng candidacy.
- Latest