^

Metro

19 na babaeng bilanggo, napagtapos ng college ng Quezon City LGU

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nakapagtapos ng college degree ang 19 na babaeng Person Deprived Liberty (PDLs) sa pamamagitan ng s ‘No Woman Left Behind’ program ng Quezon City government para sa mga PDLs.

Ang naturang mga  graduates ay mayroon na ngayong degree sa Bachelor of Science in Entrepreneurship at sumalang sa graduation ceremony sa  Camp Karingal na dinaluhan sa pangunguna ni  Quezon City Mayor Joy ­Belmonte, Justice Undersecretary Margarita Gutierrez, Gender and Development Council Secretary Janete Oviedo, QC Jail Female Dormitory Warden JCINSP. Lourvina Abrazado at iba pang opisyal ng QC Government at QC Jail Female Dormitory.

Sina Dr. Gerardo Bautista, QC University Dean of College of Business Administration and Accountancy at nag presenta sa mga graduates habang si Dr. Theresita Atienza, QCU President ang nag-conferred ng degrees.

 “Nakatataba ng puso na makitang mayroon nang college degree ang ating mga PDL. Patunay lang ito na hindi hadlang ang bilangguan para lang makapag-aral at makamit ang pangarap,” sabi ni Mayor Belmonte.

Sa 19 na nagtapos, ang isa dito ay convicted, 6 ay napalaya na at nakumpleto ang programa online habang ang 12 ay nananatiling nakapiit dahil sa kanilang mga kaso.

Bilang entrepreneurship graduates, binigyan ang mga ito ng opurtunidad na makakuha ng Pangkabuhayang QC assistance program at Tindahan ni Ate Joy program.

May oportunidad din ang mga graduates na makakuha ng trabaho sa pamamagitan ng QC Public Employment Services Office oras na makalaya sa bilangguan.

Ang QC government at QC Gender and Development Council (QCGDAC) sa tulong ng QCFJD ay naglunsad ng tertiary programs para sa PDLs para makapagpatuloy sa pag aaral at makapagtapos sa college sa loob ng dalawang taon sa pamamagitan ng blended learning o face-to-face at online classes.

vuukle comment

LGU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with