Krimen sa Metro Manila, bumaba
Dahil sa patuloy na drug ops
MANILA, Philippines — Dahil sa patuloy na giyera kontra droga kung kaya bumaba ang krimen sa Metro Manila nitong 2018 kumpara noong nakaraang taon.
Pahayag ito kahapon ni National Capital Regional Police (NCRPO) Director Guillermo Eleazar.
Sinabi ni Eleazar na bumaba ng 21 porsi-yento ang krimen sa Kalakhang Maynila mula sa 18,524 nitong 2017 ay naging 14,633 crime rate nitong 2018.
Idinagdag pa ng NCRPO chief, base sa kanilang datus, bumaba ng 52 porsiyento ang mga kaso ng murder; bumaba naman ng 27 porsiyento ang mga kasong crimes against persons at nasa 17 porsiyento naman ang ibinaba ng crimes againts property.
Naniniwala si Eleazar na ang pagbaba ng crime rate sa Metro Manila ay bunsod sa patuloy na kampanya ng pamahalaan kontra droga.
- Latest