^

Metro

Valenzuela 75% drug free bago ang Mahal na Araw

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Target ng pamahalaang lungsod ng Valenzuela na maideklara na “drug free” ang 75 porsyento ng bahagi ng lungsod bago sumapit ang Mahal na Araw ngayong Abril.

Ito ay makaraang isailalim nitong nakalipas na linggo ang 120 tauhan ng Valenzuela City Police sa “refresher course” sa anti-drug operations at investigations kaugnay na rin ng muling pagpapatupad ng “Oplan Double Barrel, Reloaded” ng nasyunal na pamahalaan.

Kaugnay nito, nais ni Mayor Rex Gatchalian na maging “less bloody” ang ikakasang anti-drug operations  ng  mga pulis sa ilalim ng programang Valenzuelano Ayaw sa Droga (VAD) at  kung maaari ay magpatupad ng “maximum tolerance” sa mga drug suspek lalo na kung hindi naman lalaban.

Nangako naman si Gatchalian ng dagdag na allowances sa mga pulis, pagdaragdag ng “police drug dogs”, mga baril, at 60 bagong patrol vehicles na may GPS at dash cameras para sa pagpapatrulya.

Tinukoy ng alkalde ang barangay ng Paso de Blas at Malinta partikular ang mga lugar ng Pinalagad, Dulong Tangke at Hustisya na talamak ang krimen lalo na iligal na droga.

Sa unang bugso ng VAD program sa lungsod, nasa 141 drug dependents na ang naipadala ng pamahalaang lungsod sa Central Luzon Rehabilitation Center sa Pampanga habang nasa 1,669 ang sumasailalim sa “community rehabilitation” sa bawat barangay.

Gayunman, nananatili pa ring hindi nalilinis ang mga barangay sa iligal na droga kaya target na muling suyurin ang 33 barangay sa lungsod.  Ilulunsad rin sa Valenzuela ang “Tokhang On Wheels” na isang “one-stop-shop” ukol sa pagsuko ng mga drug personality na ilalagay sa mga covered courts sa bawat barangay.

OPLAN DOUBLE BARREL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with