^

Metro

Alay kay Kuya Germs Manila Metropolitan Theater, bubuhayin muli

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Bubuhayin muli ang Manila Metropolitan Theater (MET) sa Mehan Garden para sa alaala ng yumaong si Kuya Germs Moreno upang gawin itong sentro ng sarswela, bodabil at iba pang pang-teatrikong pagtatanghal. 

Ibinalita kahapon ni Manila Mayor Joseph Estrada na ibabalik nila ang dating ganda ng MET dahil pangarap aniya ni Kuya Germs na mapanumbalik ang sigla ng teatro noong maupo siyang Alkalde noong 2013. 

Ang MET sa Mehan Garden (Sining Kayumanggi) sa  Padre Burgos Avenue corner Arroceros Street, ay naging tahanan ng sarsuela, bodebil at iba pang sikat na pagtatanghal at kilalang artista. Ngunit ang teatrong ito ay nasa kalunus-lunos na sitwasyon na ngayon.

 “Matagal ko nang nais i-rehabilitate ang MET. Lalo na sa Maynila, gustong-gusto nila yung mga sarswela. Si Gat Andres Bonifacio nga artista rin ng sarswela  at saka si Kuya Germs mismo ay sa opera house...  dyan nag-umpisa si Kuya Germs,” ani Mayor Estrada.

 Ang Manila council ay naglaan na dati ng P230 million na pondo para matubos namin ang MET mula sa GSIS, ayon kay Estrada. “Kaya lang pinatungan pa ng National Historical Commission ng P206 million na dagdag. Naagaw ito sa amin.” 

Dagdag pa ni Estrada, sana ay maibalik ang MET sa pamahaan ng Maynila, kahit joint venture o govern­ment to government deal, para magamit nila sa cultural purposes gaya ng nais ni Kuya Germs.

ANG

ANG MANILA

ARROCEROS STREET

KUYA GERMS

KUYA GERMS MORENO

MANILA MAYOR JOSEPH ESTRADA

MANILA METROPOLITAN THEATER

MAYNILA

MAYOR ESTRADA

MEHAN GARDEN

NBSP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with