Oil price rollback ngayong New Year – DOE
MANILA, Philippines — Magandang balita ang bubungad sa mga motorista sa susunod na linggo at sa pagsalubong sa Bagong Taon bunsod ng inaasahang rollback sa presyo ng produktong petrolyo.
Ayon kay DOE-OIMB Assistant Director Rodela Romero, namonitor nila ang pagbaba sa presyuhan ng lahat ng produktong petrolyo sa loob ng apat na araw.
Aniya, asahan na ang rollback sa presyo ng gasoline ?0.30 - ?0.65 kada litro; diesel ?0.30 - ?0.55 kada litro at kerosene ?0.80 - ?0.90 kada litro.
Paliwanag ng DOE, ang nasabing pagbaba sa presyo ng produktong petrolyo ay bunsod ng mababang demand mula sa international market gayundin ang patuloy na over supply ng langis sa merkado.
Ang final adjustment ay depende umano sa resulta ng trading ngayong araw.
- Latest