^

Metro

Nene, putol mga daliri sa 5-star

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Nene, putol mga daliri sa 5-star
Dinala sa Philippine Orthopedic Center sa Quezon City ang dalagita na nasabugan ng paputok sa kaliwang kamay.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Sabog ang  kamay at putol ang  ilang daliri ng isang 13-anyos na babae matapos masabugan ng paputok na 5-star kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Dinala sa Philippine Orthopedic Center sa Quezon City ang  dalagita na nasabugan ng paputok sa kaliwang kamay.

“Itong gitna at pala­singsingan, litaw na po yung buto so completion, amputation na lang ang gagawin doon para maisara dahil nakalabas yung buto,” ayon sa ospital.

Ayon sa ina ng biktima, nagpaalam ang anak nitong Pasko na lalabas lang hanggang sa malaman niyang isinugod na ito sa ospital.

Ikinuwento umano ng anak na siya mismo ang nagsindi ng paputok at dumikit daw sa kamay nang ihahagis na niya. Nagulat ang  biktima nang  sumabog na sa kanyang kamay.

Labis naman ang pagsisisi ng dalagita sa nangyari.

Siya ang ikalawang kaso ng mga nabiktima ng paputok sa naturang ospital.

Samantala, sunog at lapnos naman ang balat sa binti at hita ng isang 12-anyos na bata na dinala sa Tondo Medical Center matapos na masabugan naman ng iligal na boga.

Nakalabas din siya ng ospital matapos na malapatan ng lunas.

Ang boga, 5-star at piccolo umano ang nangungunang sanhi ng firecracker-related injuries ngayon.

ORTHOPEDIC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with