^

Metro

Caloocan, Navotas tututukan mga pasaway sa paggamit ng mga paputok

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Caloocan, Navotas tututukan mga pasaway sa paggamit ng mga paputok
Caloocan City has the third-biggest population among highly urbanized cities.
Philstar.com / File

MANILA, Philippines — Tiniyak ng Caloocan City government na nakamonitor sila sa mga pa­saway at gagamit ng mga ipinagbaba­wal na paputok upang salubungin ang taong 2025.

Nakasaad sa Facebook page ni Caloocan City Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan, mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng mga malalakas na paputok tulad ng baby rocket, trianggulo, whistle bomb, El Diablo, Judas’ belt, boga, at iba pang mga kahalintulad na paputok.

Ayon kay Malapitan, alinsunod  ito sa  Executive Order No. 040-24, na hinihikayat ang lahat ng mga punong barangay na magtalaga ng mga fireworks display zone sa kani-kanilang mga nasasakupan.

Batay pa rin sa nasabing kautusan, kailangan ipaalam ng barangay sa lokal na pamahalaan ang iba pang mga detalye ng itatalagang fireworks display zone tulad ng address nito, petsa at oras ng fireworks display, at ang mga ipapatupad na safety at security protocols sa lugar. Kinakailangang isumite ng mga barangay ang mga nabanggit na detalye sa Office of the City Admi­nistrator tatlong araw bago gamitin ang fireworks display area.

Inaatasan din ang Caloocan City Police Station, Bureau of Fire Protection-Caloocan, City Disaster Risk Reduction and Management Department, at ang City Health Department na pangunahan ang mahigpit na pagpapatupad ng ating ordinansa hinggil sa paggamit ng mga paputok at ang ­ating kampanya para sa ligtas na pagdiriwang ng Bagong Taon.

Payo ni Malapitan sa mga Batang Kankaloo na gumamit ng mga ligtas na alternatibong pamamaraan gaya ng torotot, kaldero, speaker, light emitting devices, at iba pa upang mag-ingay at magpa-ilaw sa Bagong Taon.

Samantala, nagpaa­lala naman si Navotas  Congressman Toby ­Tiangco sa kanyang nasasakupan na isa-isip ang posibleng disgrasya sa paggamit ng mga  ipinagbabawal na paputok.

Nakamonitor ang mga pulis at   barangay officials sa mga magbebenta at magpapaputok.

Batay aniya sa report ng Department of Health,nasa 43 indibiduwal kabilang ang   isang 7 at 9 anyos  na mula sa Navotas ang naputukan.

“Nakakalungkot dahil karamihan ng mga naaaksidente sa paputok ay mga bata. Ayon sa report ng DOH, 20 sa mga naaksidente ay mga kabataang may edad na 19 pababa. Nanawagan po tayo sa lahat na sumunod sa pamantayan ng ating mga LGUs at maging responsable sa paggamit ng paputok,” ani Tiangco.

DALE GONZALO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with