^

PSN Showbiz

Coco,gustong patapusin si Julia

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Coco,gustong patapusin si Julia
Julia Montes at Coco Martin.
STAR/ File

Nangangarap si Coco Martin na makapagtapos ng pag-aaral ang kasintahang si Julia Montes.

Ayon sa aktor ay matagal na ring nagnanais si Julia na makapagtapos ng kolehiyo. “Ang pangarap ko sa kanya ay maka-graduate pa rin siya ng college, ‘yung dahan-dahan lang. Ako na bahala sa pagtatrabaho. Basta gusto ko ay matupad niya ang dreams niya. Actually, mayroon pa ngang pagkakataon na kapag si Juls, wala sa teleserye, walang pelikula na ginagawa, ang ginagawa ko ay pinag-aaral ko siya,” pagbabahagi ni Coco sa YouTube channel ng CCM Film Productions.

Mahigit labingdalawang taon nang magkarelasyon sina Julia at Coco. Gusto umano ng aktor at direktor ng FPJ’s Batang Quiapo na masarili ng aktres ang lahat ng kinikita nito mula sa pagtatrabaho. “Ang gusto ko lahat nang pinagtatrabahuhan niya, kinikita niya gusto ko sa kanya. Gusto ko mapagsilbihan sila. Gusto ko maibigay mo ‘yung pangarap ng lola mo, ng pamilya mo para sa kanila. Kasi ako kaya ko na ‘yung sarili ko eh. Kumbaga ako na ang bahala sa iyo, arbor na kita. Kasi lalo na bilang lalaki, ako ‘yon, responsibilidad ko ‘yon. Pero ikaw gusto ko lahat ng ipon mo, lahat ng kikitain mo, gusto ko sa iyo ‘yan at sa pamilya mo ‘yan,” giit niya.

Para naman kay Julia ay hindi lamang kasintahan ang turing niya kay Coco pero isang matalik na kaibigan.

Sa mahigit isang dekada ay marami na ring pagsubok na nalampasan ang dalawa. “Sa lahat ng bagay parang kung ano lang ‘yung iniisip ko at pinapangarap ko more than ‘yung support na ibinibigay niya. Kaya totoo ‘yung ang sarap sa pakiramdam na makahanap ka ng best friend mo, mayroon kang kasama, may mahihingahan ka, may makakausap ka, ‘yon siya sa akin. Ang swerte ko lalo na at siya ang best friend ko,” makahulugang pagbabahagi ni Julia.

Arra, itinanggi si Paolo!

Nasangkot ang pangalan ni Arra San Agustin sa hiwalayan nina Yen Santos at Paolo Contis.

Nilinaw naman ng aktres na wala silang naging ugnayan ni Paolo. “No, hard no. Nag-start po kasi ‘yan sa Tahanang Pinakamasaya,” bungad ni Arra sa amin sa Fast Talk with Boy Abunda.

Matatandaang noong isang taon pa nauugnay ang dalaga kay Paolo. Para kay Arra ay talagang mayroon ding dulot na panganib ang paggamit sa social media ng bawat tao. “’Yung mga tao, they cut out pictures of me and Kuya Paolo. Tapos gumagawa sila ng mga articles, like mga headlines na ako daw ‘yung third party (Sa hiwalayan nina Yen at Paolo). So, nag-start po ‘yan last year. Tapos for some reason, nag-resurface po siya, itong news na ‘to, and fake news, fake ‘yung source, do’n po siya galing and I don’t know why karamihan sa mga tao naniniwala. We can easily be manipulated or gaslighted by a single headline lang na hindi naman pala totoo,” kwento ng aktres.

Samantala, nag-uusap daw muli ngayon si Arra at dating kasintahan na si Juami Tiongson.

Posible raw na magkabalikan ang aktres at ang basketbolista. “We’re talking again. And that’s a good sign. Hopefully to something good, to getting back. Siya ‘yung standard ko (sa lalaki), hindi talaga ako nakakita ng mas higit sa kanya or even kapantay or almost. It’s his personality. He’s very loyal, he’s so patient,” pagtatapat ng dalaga.  (Reports from JCC)

COCO MARTIN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with