^

Metro

Tindahan ng pekeng television, sinalakay

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sinalakay ng mga tauhan ng Northern Police District (NPD) ang isang tindahan na nadiskubreng nagtitinda ng umano’y mga pekeng telebisyon at iba pang electronic appliances sa Malabon City, kamakalawa.

Armado ng search warrant na inilabas ni Judge Zaldy Docena ng Malabon City Regional Trial Court Branch 170, sinalakay ng mga tauhan ng District Police Special Operations Unit ang WEI Dynamic Techno-logy Trading Corp. na nasa no. 14 Santol Road, Brgy. Potrero, Malabon.

Sa paghahalughog, natagpuan ng mga operatiba ang mga “misbranded o counterfeit” na mga tele­vision sets na nilagyan ng tatak na Astron, Pensonic at iba pang electronic appliances.

Nakuha rin ang mga “labels, prints at packages” na gamit sa tindahan para sa hindi otorisadong pagtitinda ng mga naturang appliances.

Nakatakdang sampahan naman ng kasong paglabag sa Consumers Act of the Philippines ang mga nakarehistrong may-ari ng tindahan na sina Wilson Wei at Chin Wei.

Isinagawa ang pagsa­lakay sa presensya ng mga opisyal ng barangay sa lugar at kinatawan ng kumpanya.

vuukle comment

ACIRC

CHIN WEI

CONSUMERS ACT OF THE PHILIPPINES

DISTRICT POLICE SPECIAL OPERATIONS UNIT

DYNAMIC TECHNO

JUDGE ZALDY DOCENA

MALABON CITY

MALABON CITY REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

MGA

NORTHERN POLICE DISTRICT

SANTOL ROAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with