^

Metro

Kumare pinapatay dahil sa P2-M utang: Lady trader tugis sa murder

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sinampahan na ng kasong murder sa Caloocan City Prosecutors Office ang isang negos­yante na itinuturong utak sa pagpa­papatay sa kanyang kumare da­hil sa utang na P2 milyon at kumpitensya sa negosyo sa Caloocan City.

Tugis na ngayon ng pulisya ang suspek na si Juanita dela Cruz, at pamangkin nitong si Te-resa Terrazola, kapwa ng naturang lungsod.

Ang dalawa ang iti­nuturong mastermind sa pamamaslang sa 41-anyos na si Liza de Jesus.

Sa rekord ng pulisya, naghahanda ng paninda si De Jesus sa kanyang meat stall sa Pusit Alley, Blk. 12C ng naturang barangay nang duma-ting ang dalawang lalaki at walang habas na pinagbabaril ang biktima. Malubhang nasu­gatan rin sa insidente ang mga tauhan na sina Jimboy Beslote, Digno Yasay at Junel Varquez.

Sa imbestigasyon, itinuro ng mister ng nasawi na si Ronnie Garrancias si Juanita ay may motibo sa pamamaslang sa asawa dahil sa utang na aabot sa P2 milyon at kumpitensya sa negosyo nila sa karne at manok.

Isang pagtatalo naman ang naganap sa pagitan ng biktima at ni Terrazola kung saan naringgan ang huli na katagang: “Magsaya ka na, tapos na ang ma­liligayang araw mo, ipapapatay ka na ni tita Nita”.

Lumutang naman ang isang saksi na nag­sabi na bumibili siya ng hotdog sa stall ni Juanita nang may kausapin itong mga lalaki at maringgan niya ito ng katagang, “sinigurado n’yo ba na patay na si Liza bago n’yo iwan?”

Matapos ang krimen, hindi na umano makita sina Juanita at Terrazola sa kanilang bahay. Dahil sa mga ebidensya, sinampahan ng kaukulang kaso ang mga suspek.

ACIRC

ANG

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY PROSECUTORS OFFICE

DE JESUS

DIGNO YASAY

JIMBOY BESLOTE

JUANITA

JUNEL VARQUEZ

PUSIT ALLEY

TERRAZOLA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with