^

Metro

Chinese drug suspect kinikilala pa ng QCPD

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patuloy ang ginagawang beripikasyon ng Quezon City Police District (QCPD) sa tunay na katauhan ng isang Chinese national na nadakip noong Biyernes dahil sa pagdadala ng 10 kilo ng shabu sa lungsod.

Ayon kay Sr. Insp. Roberto Razon Jr., hepe ng  QCPD Anti-Illegal Drugs, duda sila sa ipinakitang driver’s license­ ng suspek na si Xu Zhen Zhi dahil  hindi naman ito makapagsalita at makaintindi ng  tagalog. Nagtataka sila kung paano ito naisyuhan ng lisensiya.

Sinabi kay Razon, hihingin nila ang tulong ng Land Transportation Office at Bureau of Immigration para ma­kuha ang tunay na impormasyon ng dayuhan.

Magpapadala din anya sila ng report sa Chinese Embassy hingil sa kanyang pagkakadakip.

Sa kasalukuyan, wala silang makuhang impormasyon sa suspek dahil hindi umano ito nakikipag-cooperate. Wala din anyang bumibisita kay Zhi simula ng mahuli nila ito.

Biyernes ng hapon nang maaresto ang dayuhan sa may isang fast food sa Philcoa, Quezon City kung saan nakuha mula sa kanya ang 10 kilograms ng pinaghihinalaang high grade na shabu na may market value na P15 million.

Naging kontrobersyal pa  ang insidente nang sampalin ang suspek ni Mayor Herbert Bautista dahil sa kawalang ng respeto. Agad namang humingi ng paumanhin ang alkalde­ matapos ang insidente.

BIYERNES

BUREAU OF IMMIGRATION

CHINESE EMBASSY

LAND TRANSPORTATION OFFICE

MAYOR HERBERT BAUTISTA

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

ROBERTO RAZON JR.

SR. INSP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with