^

Metro

2 MMDA traffic enforcer sinipa, 7 suspendido dahil sa pangingikil

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sa kanilang kampanya upang malinis ang kanilang hanay, sinipa ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ngayong Lunes ang dalawa traffic constables, habang pito ang sinuspinde dahil sa pangingikil.

Hindi naman pinangalanan ni MMDA chairman Francis Tolentino ang mga naparusahan.

"This is part of our regular efforts to cleanse our ranks.  We will never tolerate any wrongdoing from our employees," wika ni Tolentino.

Ang dalawang naturang enforcer ay nakatalaga sa Katipunan Avenue sa Quezon City.

Samantala, 90 araw namang suspendido sina  Rommel Millanes, Larry Tibos, Romeo Rabaya, Ariel Merin, Elmer Santos, Marlo Gateos, at Cesar Aguilar habang dinidinig ang kanilang kasong grave misconduct.

"Let this serve as a stern warning to all our erring employees.  We will enforce the laws without prejudice to anyone," pahayag ni Tolentino.

Nangako si Tolentino daraaan sa due process ang pagdinig sa kaso ng mga enforcer at tiniyak na magkakaroon ng fair hearings.

ARIEL MERIN

CESAR AGUILAR

ELMER SANTOS

FRANCIS TOLENTINO

KATIPUNAN AVENUE

LARRY TIBOS

MARLO GATEOS

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

QUEZON CITY

TOLENTINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with