^

Metro

Kuha sa CCTV, sapatero inutas muna bago ninakawan

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinagpapalo at pinagsasaksak hanggang sa ma­patay habang natutulog ang isang 53-anyos na sapatero ng dalawang lalaki bago ti­nangay ang mapapakinabangan at maging ang ma­liit na kita nito sa Sta. Cruz, Maynila, kahapon ng mada­ling-araw.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Mateo Buyron.

Hindi naman malinaw ang mga mukha ng dalawang salarin batay sa kuha ng nakakabit na CCTV sa  Brgy. 338, Zone 34 na tumakas tangay ang sako na naglalaman ng mga sapatos at maging ang suot na jacket ng biktima.

Sa report  SPO2 Charles John Duran ng MPD-Ho­micide Section, dakong alas-2:23 ng madaling-araw nang maganap ang insi­dente sa kanto ng Malabon at Men­doza Sts., Sta Cruz, Maynila.

Ini-report lamang umano ng napadaang concerned citizen ang nakitang du­guang biktima sa brgy. tanod na si Raymond Malabago kay Chairwoman Elvira Garcia, na nag­paba­tid sa MPD-Station 3.

Batay aniya, sa kuha ng CCTV makikita na natutulog ang biktima nang lapitan siya ng mga suspect at pinagpupukpok at saka sinaksak, kinuha   ang suot nitong jacket  at tinangay ang mga ma­papakinabangan na inilagay sa sako.

Nasa mahigit dalawang minuto ang ginawang pagpatay sa biktima, base sa rekord ng CCTV.

vuukle comment

BATAY

BRGY

CHAIRWOMAN ELVIRA GARCIA

CHARLES JOHN DURAN

MATEO BUYRON

MAYNILA

RAYMOND MALABAGO

SHY

STA CRUZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with