^

Metro

Obrero patay sa ligaw na bala

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang obrero makaraang tamaan ng ligaw na bala sa ulo buhat sa nili­linis na baril sa kanyang kalapit-kuwarto, kamakalawa ng gabi sa Taguig City.

Agad na binawian ng buhay­ ang biktimang nakilalang si Arturo Oculam,  at nangu­ngupahan sa isang kuwarto sa may Orchid St., Brgy. Upper West, Brgy. Pinagsama, ng naturang lungsod.

Pinaghahanap naman ngayon ng pulisya ang naka­baril na suspek na si Wilson Sayao, naninirahan din sa naturang lugar.

Sa ulat ng Taguig Police, nililinis ni Sayao ang kanyang baril sa loob ng inuupahang kuwarto nang aksidenteng pumutok ito dakong alas-8:45 ng gabi.  Tumama naman ang bala sa biktima na nagpapahinga sa katabing kuwarto.

Agad namang humingi ng saklolo ang misis ng biktima habang mabilis na tumakas ang suspek na si Sayao.

Nahalukay naman sa rekord ng pulisya na may kina­kaharap na kasong illegal possession of firearms si Sayao na nakakalaya lamang makaraang maglagak ng piyansa. Nahaharap ito ngayon sa dagdag na kasong homicide.

ARTURO OCULAM

BRGY

NAHAHARAP

ORCHID ST.

SAYAO

TAGUIG CITY

TAGUIG POLICE

UPPER WEST

WILSON SAYAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with