^

Metro

41 lugar sa Pasay, nasa danger zone sa pagbaha

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Mahigpit na binabantayan  ngayon ng Pasay City Disaster and Risk Reduction Management Office ang 41 lugar sa lungsod na nasa “immediate concern” sa agarang pagbabaha kapag may nararanasang pag-ulan.

Sinabi ni DRMMO officer-in-charge Ricardo Garcia na kasado na ang kanilang “signal system” sa lahat ng barangay na natukoy na “danger zones”.  Ito ay upang agad na makapaghanda ang mga residente at mga opisyal sa pagbabaha.

Ayon kay Garcia, karamihan sa mga lugar ang natukoy nila na mabilis ang pagbaha na umaabot ng lagpas bewang kung  tuluy-tuloy ang malakas na ulan.  Sa 41 lugar sa Pasay, binanggit ni Garcia na pinaka kritikal dito ang lugar ng Mulawin, Maricaban at Kalayaan Village sa hangganan ng  Pasay-Parañaque na mabilis umabot sa dibdib ng tao ang baha.

Sa nabuo nilang ‘early warning’ system’, magpapatunog ng “bell” ang mga opisyal ng barangay at iikot sa mga residente upang magbigay ng babala gamit ang mga “megaphones” ng mga itinalagang barangay watchers.

May mga itinalaga na ring “evacuation areas” sa mga lugar na kanilang natukoy na siyang agad na pagdadalhan sa mga pamilya na malalagay sa panganib ang mga tahanan.

Nakaalerto na rin umano ang City Reduction and Risk Reduction Management Office na may 45 tauhan, limang fiber­glass na motorboat at apat na rubber boats.

 

AYON

CITY REDUCTION AND RISK REDUCTION MANAGEMENT OFFICE

GARCIA

KALAYAAN VILLAGE

PASAY CITY DISASTER AND RISK REDUCTION MANAGEMENT OFFICE

RICARDO GARCIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with