^

Metro

Koreanong nag-chop-chop, nambugbog ng Pinay dapat munang makulong sa Pinas – BI

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dapat na munang makulong at maparuhasan ang Koreano na nag-chop-chop ng kanyang kasintahan sa Laguna at nambugbog ng isa pa sa Maynila kamakailan.

Ito naman ang binigya ng  diin ni  Bureau of Immigration (BI) spokesperson Atty. Antonette Mangrobang  bago  ipatapon pabalik ng kanyang bansa si Kim Byunghuk.

Ayon kay Mangrobang sakop lang ng kanilang ahensya ang pagpapa-deport sa isang dayuhan kung nilabag nito ang Immigration Laws. 

Sakaling walang nilabag na Immigration Law ang Koreano ay hindi ito kaagad maipapa-deport ng BI.

Paliwanag ni Mangro­bang, sadyang napakagaan sa isang dayuhan ang ipa-deport lang nang hindi pina­nanagutan ang krimen sa Pili­pinas kaya dapat muna siyang litisin at maparusahan bago ipatapon sa pinangga­lingang bansa.

“Ang dapat po talaga ay litisin siya dun sa krimen na kanyang ginawa at ma-sentence at mapatawan ng kaukulang parusa,” ani Mangrobang­.

Tiniyak naman niyang nag-uugnayan ang pulisya at BI upang malaman din kung may paglabag sa Immigration Law ang isang dayuhan. 

Bagama’t hindi nila saklaw ang kaso ng naturang Koreano, sinabi naman ni Mangrobang na nakikipag-ugnayan na sila sa Korean Embassy para malaman ang history at rekord nito sa Korea.

Sakali naman aniyang guilty ito sa ilang kaso sa Korea­ ay hindi rin ito basta-basta pababalikin ng bansa hangga’t hindi napapanagutan ang ginawang krimen sa Pilipinas.

ANTONETTE MANGROBANG

AYON

BUREAU OF IMMIGRATION

IMMIGRATION LAW

IMMIGRATION LAWS

KIM BYUNGHUK

KOREAN EMBASSY

KOREANO

MANGROBANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with