^

Metro

Carlos Celdran, ipinapakulong ng korte

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ipinag-utos ng mababang hukuman na tulu­yang ikulong ang kontrobersiyal na tour guide at  advocate ng reproductive health na si Carlos Celdran.

Sa pinalabas na ka­utu­san ni Manila Metro­politan Trial Court Branch 4 Judge Juan Vermejo  Jr, nagkasala si Celdran sa kasong offending religious feeling alinsunod sa  Article 133 ng Revised Penal Code na isinampa ni Monsignor Nestor Cerbo ng Manila Cathedral.

Sa desisyon, si Celdran ay ginawaran ng inde­terminate sentence law na may minimum na parusa na mula 2-buwan at 21-araw na pagkabilanggo at maximum pe­nalty na hanggang  isang taon, isang buwan at 11-araw.

Si Celdran ay pansamantalang nakakalaya  dahil sa inilagak niyang piyansa sa korte.

Sa panig naman ng kampo ni Celdran, sinabi ng abogado nitong si Atty. Marlon Manuel na hindi pa pinal ang desisyon at iyon ay kanilang iaapela.

Hindi rin aniya, nagsisisi si Celdran sa kanyang ginawa dahil naipasa na ang Reproductive Health Law.

Nag-ugat ang kaso nang gumawa ng eksena si Celdran habang nasa kalagitnaan ng pagmi­misa sa Manila Cathedral noong Setyembre 30, 2010 kung saan siya ay pumasok bitbit ang pla­card na nananawagan na huwag manghimasok ang simbahan sa pulitika.

CARLOS CELDRAN

CELDRAN

JUDGE JUAN VERMEJO

MANILA CATHEDRAL

MANILA METRO

MARLON MANUEL

MONSIGNOR NESTOR CERBO

REPRODUCTIVE HEALTH LAW

REVISED PENAL CODE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with