^

Bansa

Tulfo target scammers ng seniors, PWDs

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Target ni ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo ang mga scammer na nanloloko ng mga senior citizen at persons with disability (PWD).

Ayon kay Cong. Tulfo, ilang reklamo na ang natatanggap ng kanyang tanggapan ukol sa panggogoyo sa mga senior citizens ng ilang walang pusong indibidwal.

“Sa kanilang pension o konting ipon lang umaasa ang mga senior tapos gagatasan o nanakawin pa ng mga manggagantso”, ayon kay Tulfo.

Aniya, “sinama na rin namin ‘yung mga PWD na kapag ginoyo mo ay kulong ang aabutin mo”.

“Kahit piso pa ‘yan, makukulong ka pag-iniscam mo ‘yung kaawa-awang senior o PWD…dahil wala kang puso,” dagdag ni Tulfo.

Pagkabilanggo ng tatlong buwan hanggang anim na taon o higit pa depende sa laki ng halaga na natangay sa senior o PWD lalo’t naubos ang ipon o pension nito dahil sa scam ng indibidwal o sindikato.

Ani Tulfo na Deputy Majority Leader din ng House, “masyado kasing bulnerable ang mga senior citizen at mga may kapansanan sa mga panloloko ng ilan dahil na rin sa kahinaan dala ng kanilang edad o kapansanan”.

“We need to protect our elders and PWDs sa panahon ngayong usong-uso ang mga scam”, anya.

Ihahain ni Tulfo ang panukala kasama sina ACT-CIS Rep. Edvic Yap at Jocelyn Tulfo, Benguet Rep. Eric Yap at Quezon City 2nd Dist.  Ralph Tulfo sa Kamara ngayong araw.

vuukle comment

PWD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with