^

Bansa

Vice President Sara, sinagot akusasyong tumanggap ng baril kay Quiboloy

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Naglabas na ng kanyang tugon si Vice President at DepEd Secretary Sara Duterte hinggil sa mga paratang ng isang testigo sa Senado na siya at ang kanyang amang si dating Pang. Rodrigo Duterte ay tumanggap ng bag ng mga baril mula kay Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Pastor Apollo Quiboloy.

Sinabi ni VP Sara na hindi na siya nagulat pa nang maglabasan ang mga paninira sa kanya lalo na at bilang bise presidente, siya ay itinuturing na pangunahing hadlang ng sinumang nangangarap na magiging susunod na pangulo ng bansa.

Ayon kay VP Sara, “Sa kasaysayan ng Pilipinas ay naging kagawian na ang pag-atake at pagbato ng sari-saring isyu laban sa Bise Presidente.”

Dagdag pa niya, “Hindi ko ikakagulat kung dumami pa ang mga kaso, imbestigasyon, testigo, paratang, atake, at paninira laban sa akin sa mga susunod na araw, linggo, buwan, at mga taon.”

Nagpahayag din siya ng paniniwala na may tamang panahon para sa lahat at sa ngayon aniya ay napapanahon upang siya ay magtrabaho at tuparin ang sinumpaang tungkulin sa mga mamamayan.

Sa pagdinig ng Se­nate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality kama­kalawa hinggil sa umano’y mga pang-aabuso ng KOJC, sinabi ng testigong si alyas ‘Rene,’ na dati siyang landscaper ng “Glory Mountain” ni Quiboloy.

Akusa pa ng testigo, nakita niya ang mag-amang Duterte na kumuha ng mga bag sa naturang lugar ng pastor, na umano’y naglalaman ng mga baril.

GUN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with