^

Bansa

P2.6 bilyong confidential fund ni Sara dapat ipasoli ng COA

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
P2.6 bilyong confidential fund ni Sara dapat ipasoli ng COA
Vice President Sara Duterte-Carpio gives the keynote address during the "Tribute to soldiers" awards ceremony at The Manila Hotel, Rizal Park, Ermita in Manila on Aug. 28, 2023.
Inday Sara Duterte / Facebook

Ginamit noong Mayor ng Davao

MANILA, Philippines — Naniniwala si dating Bayan Muna partylist Rep. Neri Colmenares na dapat ibalik ni Vice President Sara Duterte ang P2.6 bilyong confidential fund noong siya pa ang alkalde ng  Davao City.

Ayon kay Colmenares, dapat nang kumilos si  Commission on Audit chairman Gamaliel Cordoba upang ipabalik kay Duterte ang nasabing confidential fund na ginastos nito noong mayor pa ng Davao mula 2016 hanggang 2022.

Sinabi ni Colmenares na hindi kapani-paniwala na magagastos ng isang local official sa loob ng anim na taon ang P2.6 bilyon o P1.235 milyon kada araw.

“COA must make sure if this was fully liquidated with supporting document of payments or receipts,” ani Colmenares.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng COA, lumilitaw na ang confidential funds ng Office of the Mayor noong panahon ni Duterte ay umaabot sa P144 milyon noong 2016; P293 milyon, 2017; P420 milyon, 2018 at tinatayang P460 milyon sa taong 2019 hanggang 2022.

Giit ni Colmenares, kailangan na malaman ng  mga taga Davao kung saan napunta ang  nasabing confidential fund upang maiwasan ang pagdududa.

Sinabi naman ni ACT Teachers partylist Rep. France Castro, lantaran naman umano ang  ­maling paggastos ni Duterte ng CIF kaya’t dapat nang isampa ng COA ang reklamo laban dito.

Paliwanag ni Castro, dinaig pa ng Davao na P1.235 milyon kada araw na “secret spending”  ang ilang mayayamang lungsod kabilang na ang Quezon City at Makati City.

Dapat na busisiin mabuti ng COA ang pondo at tiyaking nagamit ng tama sa confidential purposes.

“If it is proven otherwise, the money should be returned and legal action should be taken,” dagdag pa ni Castro.

NERI COLMENARES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with