^

Bansa

SC: Buntis na guro na ‘di kasal, hindi pwedeng suspindihin

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
SC: Buntis na guro na ‘di kasal, hindi pwedeng suspindihin
Students of the Marikina Elementary School in Marikina City attend a two-hour class orientation before the formal school opening on August 23, 2023.
STAR / Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Hindi maaaring suspindihin ng isang paaralan ang isang guro na nagbuntis ng hindi kasal sa kanyang nobyo.

Sa desisyon ng Supreme Court (SC) First Division, na iniakda ni Associate Justice Ricardo R. Rosario, sinabi ng Korte na hindi maituturing na imoral ang isang premarital na relasyon na naging dahilan para magbuntis ang isang guro.

Inatasan din nito ang isang Christian school sa Bohol na bayaran ang suweldo at lahat ng benepisyo ng kanilang guro, simula nang siya ay suspindihin matapos na mabuntis ng kanyang nobyo.

Sa rekord ng SC, ang guro na isang Grade 2 teacher sa naturang Christian school, ay sinuspinde ng kanilang principal matapos na malamang siya ay dalawang buwang buntis kahit hindi pa sila kasal ng kanyang nobyo.

Sinabihan umano siya ng principal na kaagad ding tatanggalin ang suspension order laban sa kanya sa sandaling pakasalan na siya ng kanyang nobyo.

Dahil dito, naghain naman ang guro ng kasong illegal suspension sa Labor arbiter na umabot sa Court of Appeal (CA) na nagdesisyon pabor sa guro.

Naiakyat naman ito sa SC, na pumanig din sa desisyon ng appellate court.

“The SC affirmed the CA’s finding of illegal suspension. It held that sexual relations between two unmarried, consenting adults are not immoral. No law prohibits this, nor does it go against any fundamental state policy found in the Constitution.”

TEACHER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with