^

Bansa

Kahit zero budget: PhilHealth may reserbang P500 bilyong pondo – Pangulong Marcos

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Kahit zero budget: PhilHealth may reserbang P500 bilyong pondo – Pangulong Marcos
Anya, maraming reserba na pondo ang PhilHealth na aabot pa sa P500 bilyon na hindi naman nagagamit.
Philstar.com / Irra Lising

MANILA, Philippines — Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na may sapat na budget ang PhilHealth sa kabila ng pagtapyas sa kanilang pondo para sa susunod na taon.

Anya, maraming reserba na pondo ang PhilHealth na aabot pa sa P500 bilyon na hindi naman nagagamit.

“PhilHealth has a P500 billion reserve. And the cost to provide their services in one  year is less than P100 billion. So their budget actually for expenditure is in the P260 billion,” pahayag ni Marcos.

Sinabi rin ng Pangulo na wala siyang nakikitang mali sa pagtanggal ng mga mambabatas sa pondo sa subsidiya sa PhilHealth.

Kaya anya binawi ng Department of Finance (DOF) ang pondo ay dahil ang ilang reserve na naiwan doon ay hindi na­gamit ng ilang taon kaya may sapat pa rin budget para gawin ang lahat ng nais nilang gawin.

Paliwanag ng ­Pangulo, na naka-tengga lamang sa bank account ng PhilHealth ang pondo.

“And the reason why, the reason we do not want to subsidize, because the subsidy uupo lang sa bank account ng PhilHealth, hindi magagamit, eh marami tayo paggagamitan noon so that’s so that’s a simple explanation there,” pahayag ni Marcos.

Kaya payo ni ­Pangulong Marcos sa PhilHealth, gawing digital ang sistema para mapabilis ang pagbibigay serbisyo publiko.

PHILHEALTH

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with