^

Bansa

P10 bilyong tinapyas sa DepEd, ibabalik — Pangulong Marcos

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
P10 bilyong tinapyas sa DepEd, ibabalik — Pangulong Marcos
Sa ambush interview sa Malakanyang sinabi ng Pangulo na ­hahanapan niya ng ­paraan para mapondohan ang DepEd.
STAR/File

MANILA, Philippines — Siniguro ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ibabalik ang P10 bilyon tinapyas na pondo sa Department of Education (DepEd).

Sa ambush interview sa Malakanyang sinabi ng Pangulo na ­hahanapan niya ng ­paraan para mapondohan ang DepEd.

“On the subject of the DepEd, we are still looking into it. I think it is contrary to all our policy direction when we talk about the STEM development of our educational sector and then the continuing deve­lopment,” sabi ni Marcos.

Paliwanag pa ng ­Pangulo na ang nawala na P10 bilyon ay mula sa computerization item kaya inaayos na nila para masiguro na maibabalik ito.

“Because ‘yung nawala na P10 billion comes from the computerization item. So we’re working on it to make sure that we will restore it. I do not want to line item veto anything because that just gets in the way. So we’re still talking about it and trying to find a way,” ayon pa sa Pangulo.

Hindi naman tinukoy ni Pangulong Marcos kung saan kukuha ng pondo para sa DepEd.

DEPED

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with