DBM inilarga eMarketplace kontra korapsyon
MANILA, Philippines — Para malabanan ang korapsiyon, inilunsad ng Department of Budget and Management (DBM) ang Philippine Government Electronic Procurement System (PhilGEPS) e-Marketplace na layong gawing moderno ang mga procurement ng gobyerno na maituturing rin na isang landmark innovation na direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
“With the eMarketplace, government agencies or procuring entities can now just ‘Add to Cart’ or directly purchase their common-use supplies and equipment (CSE) requirements from competent and reputable suppliers. With only a few clicks, we can now purchase the same way we would shop in Shopee or Lazada using our digital devices, shortening the tedious process of regular procurement from three months to just 60 days,” paliwanag ni DBM Secretary Amenah Pangandaman.
Ang nasabing groundbreaking digital platform ay inilunsad nitong Disyembre 13, 2024 sa simpleng seremonya sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City.
“With the guidance of DBM, under the excellent leadership of Sec. Mina, the PS-DBM conquered, and we have been relentless since then in reinforcing our mandate as the central procuring arm for common use supplies and equipment for the whole of government including local government units,” ayon naman kay PS-DBM Executive Director Atty. Genmaries S. Entredicho-Caong.
Makatutulong din aniya ang eMarketplace, isang component ng pinagbuti pang PhilGEPS, na labanan ang korapsiyon sa pamamagitan ng pagberipika sa mga merchant at supplier, na sinisigirong nakasusunod ang mga ito sa mga technical specification at budget requirement na itinakda ng mga procuring entities.
Idinisenyo ang eMarketplace para maging inclusive sa pagbibigay-oportunidad sa mga MSMEs, social enterprises at mga women-led businesses na makibahagi sa mga government procurement sa pagtatakda ng simpleng rehistrasyon at proseso sa pagbi-bidding.
“As we progress, along with digital transformation, we are confident that the eMarketplace will work not only as a digital tool for centralized procurement but also as a catalyst for good governance, economic development, and social progress,” diin naman ni PS-DBM Deputy Executive Director Rommel D. Rivera.
Dahil sa patuloy na pagyakap ng pamahalaan sa mga pagbabagong digital, ang paglulunsad ng eMarketplace ay ikinokonsiderang isa sa napakaraming hakbangin patungo sa “Bagong Pilipinas” na layon ang efficiency, transparency at sustainability sa pagseserbisyo-publiko.
- Latest