^

Bansa

Sa NCR ang trabaho pero nakatira sa probinsya? Umupa muna, sabi ng DTI

James Relativo - Philstar.com
Sa NCR ang trabaho pero nakatira sa probinsya? Umupa muna, sabi ng DTI
Kuha ng ilang manggagawa sa konstruksyon.
File

MANILA, Philippines — Pinayuhan munang mangupahan sa loob ng Kamaynilaan ng kalihim ng Department of Trade and Industry ang mga manggagawa't empleyadong nakatira sa labas ng National Capital Region kasunod ng banta ng coronavirus disease (COVID-19).

Ito ang sinabi ni DTI Secretary Ramon Lopez, Biyernes, matapos ianunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang "community quarantine" ng buong NCR, na haharang at lilimita sa pagpasok at paglabas ng mga tao roon.

"Umupa muna sila para less ang movement ng tao. Sa ganoong paraan din, malilimitahan talaga yung pagpasok labas ng mga tao dito sa Metro Manila," sabi niya.

"I'm sure 'yung mga ibang kumpanya will just encourage their people, their employees to find a place muna dito sa Metro Manila."

Binanggit niya 'yan kahit na papayagang pumasok sa rehiyon ang mga nasa probinsyang nagtratrabaho sa Kamaynilaan, basta't makapagpakita ng company ID sa mga itatalagang checkpoints.

BASAHIN: Mga exempted sa 'entrance-exit ban' sa Metro Manila

Magsisimulang pagbawalan ang mga "domestic" travels papasok at palabas ng ng NCR mula Linggo, ika-15 ng Marso hanggang ika-14 ng Abril upang mapigilan ang mabilis na pagkalat ng sakit sa iba pang bahagi ng Pilipinas.

Saklaw ng nasabing travel restrictions ang land, air at sea travel.

FULL TEXT: Public address of President Rodrigo Duterte on the Coronavirus Disease 2019

"[M]arami ho talagang mga nakatira outside Metro Manila at everyday nagko-commute sila. So magpakita lang ho ng ID," dagdag ni Lopez.

Kung walang ID, pwede rin daw magpakita ng iba pang proof of employment.

Una nang sinabi ni Department of the Interior and Local Government spokesperson Jonathan Malaya na magkakaroon ng mga checkpoints, kung saan iisa-isang hihingian ng ID ng Philippine National Police ang mga naglalayong pumasok sa pamamagitan ng pribadong sasakyan at pampublikong transportasyon.

Labas sa isyu ng pangungupahan sa Metro Manila o pagpapakita ng ID, matatandaang inirekomenda na ni Bise Presidente Leni Robredo ang iskemang "work from home" para sa ilang opisina habang hindi pa humuhupa ang problema sa COVID-19.

Inengganyo naman ng presidente ang pagpapatupad ng "flexible working arrangements" para sa pribadong sektor:

Kasalukuyang nasa 52 na ang tinatamaan ng COVID-19 sa Pilipinas simula nang makapasok ang virus sa bansa.

Lima sa mga nasabing pasyente ang binawian na ng buhay, ayon sa pinakahuling tala ng Department of Health, Huwebes ng gabi.

Itinuturing nang "pandemic" ng World Health Organization ang sitwasyon ng mundo dahil sa nasabing sakit, na unang tipo ng coronavirus na nabansagan ng nasabing titulo. — may mga ulat mula kay Ratziel San Juan

CODE RED SUBLEVEL 2

COMMUNITY QUARANTINE

DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY

NOVEL CORONAVIRUS

RAMON LOPEZ

RODRIGO DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with