^

Bansa

Mental Health Law pirmado na ni Digong

Rudy Andal, Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Mental Health Law pirmado na ni Digong
Sa ilalim ng nasabing batas na akda ni opposition Sen. Rissa Hontiveros, ang mental health care ay magiging affordable, accessible at equitable hanggang sa barangay level.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Nilagdaan na ni Pangulong Duterte ang Philippine Mental Health Law o ang Republic Act 11036.

Sa ilalim ng nasabing batas na akda ni opposition Sen. Rissa Hontiveros, ang mental health care ay magiging affordable, accessible at equitable hanggang sa barangay level.

Nakapaloob sa nasabing batas na cover na ngayon ng PhilHealth ang hospitalization sa pasyente ng acute attacks of mental and behavorial disorders sa package rate na P7,800.

Nakapaloob sa batas na ang mga taong may problema sa pag-iisip ay dapat makakuha ng tulong mula sa mga mental health professionals sa mga barangays, integrate psychiatric, psychosocial, at neurologic services sa regional, provincial, at tertiary hospitals.

Ayon kay Hontiveros, araw-araw ay umaabot sa 7 Filipino ang nagpapakamatay at isa sa bawat 5 Filipino adults ay mayroong mental disorders.

Sinabi pa ni Hontiveros na hindi na dapat magtiis at magtago ang mga Filipino na may mental disorders dahil may batas na titiyak na sila ay matutulungan.

Ayon naman kay Se­nate President Tito Sotto, dapat tiyakin ng Department of Health na mai­patutupad ang nasabing batas.

Kabilang sa nagsulong ng panukala sina Sotto, Senators Loren Legarda, Sonny Trillanes, Bam Aquino, Sonny Angara at Joel Villanueva. 

DUTERTE

PHILIPPINE MENTAL HEALTH LAW

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with