^

Bansa

5,000 undocumented OFWs sa Kuwait ‘di nag-avail ng amnesty

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
5,000 undocumented OFWs  sa Kuwait ‘di nag-avail ng amnesty
Sinabi ni Philippine Ambassador to Kuwait Renato Pedro Villa na karamihan sa mga ito ay pawang “runaways” o tumakas sa kanilang mga amo at kumuha ng part-time jobs sa naturang bansa para mabuhay.
Joven Cagande

MANILA, Philippines — Tinatayang 5,000 undocumented Filipino workers sa Kuwait ang hindi raw nag-avail ng amnesty program at patuloy na makikipagsapalaran sa naturang bansa.

Sinabi ni Philippine Ambassador to Kuwait Renato Pedro Villa na karamihan sa mga ito ay pawang  “runaways” o tumakas sa kanilang mga amo at kumuha ng part-time jobs sa naturang bansa para mabuhay.

Ito ay sa kabila ng pagtatapos ng amnestiya ng Kuwait nitong Abril 22 para makauwi sa Pilipinas ang mga Pinoy na walang ‘working documents’ sa bansa.

Sinabi ni Villa na ayaw pang umuwi sa Pilipinas ng ilan sapagkat nagbabasakali pa rin sa kabila ng malawakang crackdown kontra undocumented workers.

Nang ipatupad ang amnestiya, nasa 4,494 OFWs na ang naipabalik sa Pilipinas ng Department of Foreign Affairs. 

Inaasahan naman na tatlong batch ng undocumented OFWs ang dara­ting pa sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kaya aabot sa 5,000 ang kabuuang bilang ng kanilang napauwi.

Sinabi ni Foreign Affairs Undersecretary for Migrant Workers Affairs Sarah Lou Arriola, gumastos ang pamahalaan ng P66.1 milyon para sa biyahe ng mga OFW at P22.5 milyon para sa financial assistance sa kanila.

Nabatid na Enero 29 pa dapat mag-expire ang amnesty program subalit pinalawig ito ng Kuwaiti government hanggang sa April 22 kasunod na rin ng request ng gobyerno ng Pilipinas.

Samantala, ipinapatawag naman ng pamahalaan ng Kuwait si Ambassador Villa at naghain ng ‘protest notes’ dahil sa mga opensibang salita laban sa naturang bansa at paglabag umano sa mga panuntunan sa pagliligtas sa mga Pilipinong manggagawa.

Ayon sa Kuwait News Agency (KUNA), nagbigay umano ng pangit na mga salita si Villa sa bansang Kuwait habang iniulat naman ng Arab Times na sinabi ng Kuwaiti Member of Parliament (MPs) na pag­labag sa mga umiiral na ‘diplomatic norms’ at soberenya ng kanilang bansa ang ginawang pagpapadala ng ‘rapid rescue team’ ng Pilipinas sa kanilang bansa upang iligtas ang mga OFW na humihingi ng saklolo bago magtapos ang palugit sa amnestisya.

AMNESTY PROGRAM

FILIPINO WORKERS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with