^

Bansa

Backlog sa passport umabot ng 100K

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umabot sa mahigit 100,000 passports ang backlog o natengga dahil sa system breakdown sanhi upang dagsain ng reklamo ang DFA, mga Embahada at Konsulado sa iba’t ibang bansa.

Sinabi ni DFA-Office of the Consular Affairs chief Frank Cimafranca na simula noong Peb­rero 2015, nagkaroon ng problemang teknikal sa paggawa ng mga pasaporte. Ang anim-taong system na ginagamit umano ng DFA sa paggawa ng passport ay nagsimulang bumigay.

Dahil sa pagdagsa ng may 12,000 passport applications kada araw, lalo umanong nadagdagan ang passport backlog at tumagal ng ilang linggo at buwan ang pag-iisyu ng mga pasaporte.

Upang masolusyunan ang backlog, sinabi ni Cimafranca na naglagay na ng isang bagong pasilidad ang DFA sa Lipa, Batangas na ka­yang gumawa ng may 6,000-7,000 pasaporte bukod pa sa 12,000 passports na pino-produce araw-araw sa Bangko Sentral ng Pilipinas.

Mula sa 100,000 passport backlog ay umaabot na lamang ang bilang ng mga naantalang pasaporte sa kabuuang 42,230.

Nitong Hulyo 15, 2015, binigyan na ng DFA ng awtorisasyon ang lahat ng satellite offices na palawigin ng 1-2 taon na extension ang validity ng mga passport na mapapaso na upang hindi na makadagdag sa backlog.

ACIRC

ANG

BANGKO SENTRAL

BATANGAS

CIMAFRANCA

DAHIL

EMBAHADA

FRANK CIMAFRANCA

KONSULADO

NITONG HULYO

OFFICE OF THE CONSULAR AFFAIRS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with