^

Bansa

AFP tigil muna sa pagpapadala ng Pinoy peacekeepers sa Liberia

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tigil muna pansa­mantala ang pagpapadala ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ng mga peacekeepers sa Liberia na kabilang sa dumaranas ng Ebola virus.

Ayon kay AFP spokesman Major Domingo Tutaan Jr., hangga’t hindi Ebola free ang nasabing bansa ay hindi muna magpapadala ang AFP ng mga peacekeepers doon.

Ang Liberia, Sierra Leone at Guinea ay kabilang sa tatlong bansa sa West Africa na tinamaan ng Ebola. Mahigit 2,000 katao na ang nasasawi sa sakit.

Sa kasalukuyan ay nasa 115 ang AFP peacekeepers sa Liberia na nagtapos na ng tour of duty nitong Agosto.

Gayunman, ayon kay Tutaan ay kailangan muna ang mga itong sumailalim sa proseso ng quarantine bago umuwi sa Pilipinas.

 

AGOSTO

ANG LIBERIA

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

AYON

EBOLA

GAYUNMAN

MAJOR DOMINGO TUTAAN JR.

SIERRA LEONE

WEST AFRICA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with