^

Bansa

SRP sa bawang ipapatupad ng DA

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Balak ng Department of Agriculture na magpatupad ng “suggested retail price” sa presyo ng bawang na dapat ay P70 hanggang P80 lamang ang kilo at hindi P280 hanggang P300.

Sa ginawang pagdinig kahapon ng Senate Committee on Agriculture and Food kaugnay sa mataas na presyo ng bawang, sinabi ni Senator Cynthia Villar na ang production cost ng bawang ay nasa P40 bawat kilo samantalang sa imported na bawang ay P17 per kilo kasama na ang bayad sa buwis.

Nakakapagtaka aniya na umaabot sa P280 per kilo ng bawang kaya maliwanag na nagkakaroon ng price manipulation.

Ayon kay Villar, walong porsiyento lamang ng bawang na ibinebenta sa merkado ang lokal samantalang halos lahat ay imported o nanggagaling sa ibang bansa.

Ang mga nag-iimport aniya ng bawang ay mga kooperatiba o kaya ay mga traders kaya sinusubukan na ngayong tukuyin kung sino ang traders na nagsasagawa ng manipulasyon ng presyon

Idinagdag ni Villar na mas katanggap-tanggap pa kung nasa P100 lamang ang presyo ng bawang bawat kilo, pero hindi P280 per kilo.

“Yung mga traders, kasi sobrang taas I mean if the bawang eh P100/per kilo , that’s acceptable, but P280? Ang price lang ng production cost is P40 pesos per kilo sa local, sa imported P17 per kilo,” sabi ni Villar.

 

AGRICULTURE AND FOOD

AYON

BALAK

BAWANG

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

IDINAGDAG

KILO

NAKAKAPAGTAKA

SENATE COMMITTEE

SENATOR CYNTHIA VILLAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with