Lobster ulam ni Obama
MANILA, Philippines - Lobster na mula sa Guimaras island at iba pang Filipino seafood ang inihain na ulam kay US President Barack Obama sa state dinner na handog ni Pangulong Benigno Aquino III sa bumibisitang US leader sa Malacañang.
Ayon sa chef ng Makati Shangri-La, ang lobster mula sa Guimaras island ang ‘best lobster’ sa Pilipinas kaya ito ang inihanda niya para kay Pres. Obama.
Bukod sa lobster, naghain din ng Lapu-lapu na may spiced with pili nuts, pochero pero shell fish ang ginamit kaysa sa pangkaraniwang meat stew, nilupak na kalabasa, ginataang gulay.
Para naman sa dessert ay hinandaan si Pres. Obama ng Guimaras mangoes at buko lychee ice cream, ayon kay Chef Gene del Prado ng Makati Shangri-La.
- Latest